14 Subalit ang buong mundo ay mapupunong mga taong kumikilala at dumadakila kay Yahweh,kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
15 Mapapahamak kayo! Pinainom ninyo ang inyong mga kalapit bansa,ng alak na tanda ng inyong pagkapoot.Nilasing ninyo sila at hiniya,nang inyong titigan ang kanilang kahubaran.
16 Malalagay rin kayo sa kahihiyan at hindi sa karangalan.Iinom din kayo at malalasing.Ipapainom sa inyo ni Yahweh ang inyong kaparusahan,at ang inyong karangalan ay magiging kahihiyan.
17 Hinubaran ninyo ang kagubatan ng Lebanon;ngayon, kayo naman ang huhubaran.Pinatay ninyo ang mga hayop doon;ngayo'y kayo naman ang sisindakin nila.Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak,dahil sa inyong karahasan sa mga tao,sa daigdig at sa mga lunsod nito.
18 Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan?Tao lamang ang gumawa nito,at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito.Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa?Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita.
19 Mapapahamak kayo! Ginigising ninyo ang isang pirasong kahoy!Pinababangon ninyo ang isang bato!May maipapahayag ba sa inyo ang isang diyus-diyosan?Maaaring ito'y nababalot sa pilak at ginto,ngunit wala naman itong buhay.
20 Si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo,tumahimik ang lahat sa harapan niya.Manahimik ang buong sanlibutan sa kanyang presensya.