4 Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas,ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.”
5 Ang kayamanan ay mandaraya.Ang ganid sa salapi ay hindi makukuntento.Ang kanyang katakawan ay kasinlawak ng libingan,tulad ng kamatayan na walang kasiyahan.Kaya sinasakop niya ang mga bansa,upang maging kanya ang mga mamamayan.
6 Darating ang araw na hahamakin ng mga nasakop ang mga sumakop sa kanila.Sasabihin nila, “Kinuha ninyo ang hindi sa inyo, kaya't kayo'y mapapahamak!Hanggang kailan pa kayo magpapayaman, habang pinipilit na magbayad ang mga may utang sa inyo?”
7 Biglang darating ang panahon na kayo naman ang mangungutang,at pipiliting magbayad ng interes.Darating ang inyong kaaway at sisindakin kayo.Pagnanakawan nila kayo!
8 Sinalanta ninyo ang maraming bansa,iyan din ang gagawin sa inyo ng mga nakaligtas.Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak,dahil sa inyong karahasan sa mga tao,sa daigdig at sa mga lunsod nito.
9 Mapapahamak kayong mga nagpayaman ng inyong pamilya sa pamamagitan ng inyong mga ninakaw.Ngayo'y nagsisikap kayong ilayo sa kapahamakan at panganib ang inyong sambahayan.
10 Ang inyong mga pagbabalak ang nagbigay ng kahihiyan sa inyong sambahayan.Winasak ninyo ang maraming bansa,kaya kayo naman ngayon ang wawasakin.