1 Ang aklat na ito ay naglalaman ng mensahe ni Yahweh sa pamamagitan ni Joel na anak ni Petuel.
2 Makinig kayo, matatandang pinuno,pakinggan ninyo ito, lahat ng nasa Juda.May nangyari na bang ganito sa inyong panahon,o sa panahon ng inyong mga ninuno?
3 Isalaysay ninyo ito sa inyong mga anak,upang maisalaysay naman nila ito sa magiging mga anak nila,at sila ang magsasabi nito sa kasunod nilang salinlahi.
4 Pinagsawaan ng laksa-laksang balang ang mga pananim;kinain ng sumunod ang natira ng una.
5 Gumising kayo at tumangis, mga maglalasing!Umiyak kayo, mga manginginom!Sapagkat wala nang ubas na magagawang alak.
6 Sinalakay ng makapal na balang ang ating lupain.Sila'y mapangwasak at di mabilang;parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin.
7 Sinira nila ang ating mga ubasanat sinalanta ang mga puno ng igos.Sinaid nila ang balat ng mga puno,kaya't namuti pati mga sanga.
8 Tumangis ka, bayan, gaya ng isang dalagang nagluluksadahil sa pagkamatay ng binatang mapapangasawa niya.
9 Walang butil o alak na maihahandog sa Templo ni Yahweh;kaya't nagdadalamhati pati mga pari dahil wala silang maihandog kay Yahweh.
10 Walang maani sa mga bukirin,nagdadalamhati ang lupa;sapagkat nasalanta ang mga trigo,natuyo ang mga ubas,at nalanta ang mga punong olibo.
11 Malungkot kayo, mga magsasaka!Umiyak kayong nag-aalaga ng mga ubasan, trigo at sebada,sapagkat lahat ng pananim ay pawang nasalanta.
12 Natuyo ang mga ubasan, nalanta ang mga puno ng igos;ang mga punong granada, palma at mansanas—lahat ng punongkahoy ay natuyo;at nawala ang kagalakan ng mga tao.
13 Magluksa kayo at tumangis,mga paring naghahandog sa altar.Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa.Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.
14 Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat.Tipunin ninyo ang mga tao.Tipunin ninyo ang matatandang pinunoat ang lahat ng taga-Juda,sa Templo ni Yahweh na inyong Diyosat dumaing sa kanya.
15 Malapit na ang araw ni Yahweh,ang araw ng pangwawasak ng Makapangyarihang Diyos.
16 Di ba't kitang-kita natin ang pagkasira ng mga pananim,at ang pagkapawi ng kagalakan at kasiyahan sa templo ng ating Diyos?
17 Hindi sumisibol ang mga binhi sa tigang na lupa.Walang laman ang mga kamalig,at wasak ang mga imbakan, sapagkat ang mga trigo ay hindi sumibol.
18 Umungal ang mga bakasapagkat walang mapagpastulan sa kanila.Gayundin naman, ang mga kawan ng tupa ay wala na ring makain.
19 O Yahweh, dumaraing ako sa iyo,sapagkat natuyo ang mga pastulan,at ang mga punongkahoy ay parang sinunog ng apoy.
20 Maging ang mga hayop sa gubat ay dumaraing sa iyosapagkat natuyo rin ang mga batis,at ang pastulan ay parang tinupok ng apoy.