11 Malungkot kayo, mga magsasaka!Umiyak kayong nag-aalaga ng mga ubasan, trigo at sebada,sapagkat lahat ng pananim ay pawang nasalanta.
12 Natuyo ang mga ubasan, nalanta ang mga puno ng igos;ang mga punong granada, palma at mansanas—lahat ng punongkahoy ay natuyo;at nawala ang kagalakan ng mga tao.
13 Magluksa kayo at tumangis,mga paring naghahandog sa altar.Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa.Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.
14 Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat.Tipunin ninyo ang mga tao.Tipunin ninyo ang matatandang pinunoat ang lahat ng taga-Juda,sa Templo ni Yahweh na inyong Diyosat dumaing sa kanya.
15 Malapit na ang araw ni Yahweh,ang araw ng pangwawasak ng Makapangyarihang Diyos.
16 Di ba't kitang-kita natin ang pagkasira ng mga pananim,at ang pagkapawi ng kagalakan at kasiyahan sa templo ng ating Diyos?
17 Hindi sumisibol ang mga binhi sa tigang na lupa.Walang laman ang mga kamalig,at wasak ang mga imbakan, sapagkat ang mga trigo ay hindi sumibol.