12 “Gayunman,” sabi ni Yahweh,“mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin;mag-ayuno kayo, manangis at magdalamhati.
13 Magsisi kayo nang taos sa puso,at hindi pakitang-tao lamang.”Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos!Siya'y mahabagin at mapagmahal,hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.
14 Maaaring lingapin kayong muli ni Yahweh na inyong Diyosat bigyan kayo ng masaganang ani.Kung magkagayon, mahahandugan ninyo siya ng handog na pagkaing butil at alak.
15 Hipan ninyo ang trumpeta sa ibabaw ng Bundok ng Zion!Tipunin ninyo ang mga tao at ipag-utos ninyo na mag-ayuno ang lahat!
16 Tawagin ninyo ang mga taopara sa isang banal na pagtitipon.Tipunin ninyo ang lahat, matatanda at bata,pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.
17 Mga pari, tumayo kayosa pagitan ng altar at ng pasukan ng Templo,manangis kayo't manalangin nang ganito:“Mahabag ka sa iyong bayan, O Yahweh!Huwag mong hayaang kami'y hamakin at pagtawanan ng ibang mga bansaat tanungin, ‘Nasaan ang inyong Diyos?’”
18 Pagkatapos, ipinakita niya ang malasakit niya sa lupain,at naawa siya sa kanyang bayan.