3 Nilalamon nilang tulad ng apoy ang mga halaman.Parang halamanan ng Eden ang lupain bago sila dumating,ngunit naging malungkot na ilang nang kanilang iwan;wala silang itinira.
4 Parang mga kabayo ang kanilang anyo,waring mga kabayong pandigma kung sila'y tumakbo.
5 Kapag dumaraan sila sa ibabaw ng mga bundok,ang ingay nila ay parang rumaragasang karwahe,parang tuyong damo na sinusunog.Nakahanay sila, tulad ng isang hukbo na handang makipagdigma.
6 Habang sila'y papalapit, nasisindak ang lahat;namumutla sa takot ang bawat isa.
7 Sumasalakay sila, gaya ng mga mandirigma;inaakyat nila ang mga pader gaya ng mga kawal.Walang lingun-lingon silang sumusugod.Walang lumilihis sa landas na tinatahak.
8 Lumulusot sila sa mga tanggulanat walang makakapigil sa kanila.
9 Sinasalakay nila ang lunsod,inaakyat ang mga pader;pinapasok ang mga bahay,lumulusot sila sa mga bintana, gaya ng mga magnanakaw.