6 Habang sila'y papalapit, nasisindak ang lahat;namumutla sa takot ang bawat isa.
7 Sumasalakay sila, gaya ng mga mandirigma;inaakyat nila ang mga pader gaya ng mga kawal.Walang lingun-lingon silang sumusugod.Walang lumilihis sa landas na tinatahak.
8 Lumulusot sila sa mga tanggulanat walang makakapigil sa kanila.
9 Sinasalakay nila ang lunsod,inaakyat ang mga pader;pinapasok ang mga bahay,lumulusot sila sa mga bintana, gaya ng mga magnanakaw.
10 Sa pagdaan nila'y nayayanig ang lupa;at umuuga ang langit.Nagdidilim ang araw at ang buwan,at pati mga bitui'y ayaw nang magliwanag.
11 Parang kulog ang tinig ni Yahweh, kung mag-utos sa kanyang hukbo.Ang mga pangkat na tumatalima sa kanyaay marami at malalakas.Nakakapangilabot ang araw ni Yahweh!Sino ang makakatagal dito?
12 “Gayunman,” sabi ni Yahweh,“mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin;mag-ayuno kayo, manangis at magdalamhati.