11 Pumarito kayo agad,lahat ng bansa sa paligid,at magtipon kayo sa libis.”O Yahweh, ipadala mo ang iyong mga hukbo.
12 “Kailangang humanda ang mga bansaat magtungo sa Libis ng Jehoshafat.Akong si Yahweh ay uupo roonupang hatulan ang lahat ng bansa sa paligid.
13 Ubod sila ng sama;gapasin ninyo silang parang uhaysa panahon ng anihan.Durugin ninyo silang parang ubas sa pisaanhanggang sa umagos ang katas.”
14 Libu-libo ang nasa Libis ng Jehoshafat,hindi magtatagal at darating doon ang araw ni Yahweh.
15 Hindi na magliliwanag ang araw at ang buwan,at hindi na rin kikislap ang mga bituin.
16 Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh,mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig;nanginginig ang langit at lupa.Subalit ipagtatanggol niya ang kanyang bayan.
17 “Sa gayon, malalaman mo, O Israel, na ako si Yahweh ay iyong Diyos!Ang aking tahanan ay ang Zion, ang banal na bundok.Magiging banal na lunsod ang Jerusalem;hindi na ito muling masasakop ng mga dayuhan.