14 Libu-libo ang nasa Libis ng Jehoshafat,hindi magtatagal at darating doon ang araw ni Yahweh.
15 Hindi na magliliwanag ang araw at ang buwan,at hindi na rin kikislap ang mga bituin.
16 Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh,mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig;nanginginig ang langit at lupa.Subalit ipagtatanggol niya ang kanyang bayan.
17 “Sa gayon, malalaman mo, O Israel, na ako si Yahweh ay iyong Diyos!Ang aking tahanan ay ang Zion, ang banal na bundok.Magiging banal na lunsod ang Jerusalem;hindi na ito muling masasakop ng mga dayuhan.
18 Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan;bakahan ang makikita sa bawat burol,at sasagana sa tubig ang buong Juda!Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis,na didilig sa Libis ng Sitim.
19 “Magiging disyerto ang Egipto,at magiging tigang ang lupain ng Edom,sapagkat sinalakay nila ang lupain ng Judaat pinatay ang mga mamamayang walang kasalanan.
20-21 Ipaghihiganti ko ang lahat ng nasawi;paparusahan ko ang sinumang nagkasala.Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman,at ako ay mananatili sa Bundok ng Zion.”