3 Nagpalabunutan sila upang magpasyakung kanino mapupunta ang mga bihag.Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipinupang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.
4 “Ano ang ginagawa ninyo sa akin, kayong mga taga-Tiro, Sidon at Filistia? Sinusuhulan ba ninyo ako bilang kapalit ng isang bagay? Kung gayon, mabilis ko kayong gagantihan!
5 Kinuha ninyo ang aking pilak, ginto at mga kayamanan at dinala ang mga ito sa inyong mga templo.
6 Binihag ninyo at inilayo sa kanilang bayan ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem at ipinagbili sa mga Griego.
7 Pauuwiin ko na sila mula sa mga dakong pinagtapunan ninyo sa kanila. Ipararanas ko naman sa inyo ang ginawa ninyo sa kanila.
8 Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda upang ipagbili naman nila sa mga Sabeo.” Iyan ang sinabi ni Yahweh.
9 “Ipahayag mo ito sa mga bansa:Humanda kayo sa isang digmaan.Tawagin ninyo ang inyong mga mandirigma,tipunin ninyong lahat ang inyong mga kawal at sumalakay kayo!