1 Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito:
2 “Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo,at sinagot ninyo ako.Mula sa daigdig ng mga patayako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako.
3 Itinapon ninyo ako sa kalaliman;sa pusod ng karagatan.Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig,at malalaking alon ang sa akin ay tumabon.
4 Akala ko'y malayo na ako sa inyo,at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo.
5 Hinigop ako ng kalaliman,hanggang sa tuluyang lumubog;napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat.
6 Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok,sa libingan ng mga patay.Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.
7 Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga,naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin,at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.
8 Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosanay hindi naging tapat sa inyo.
9 Ngunit aawit ako ng pasasalamatat sa inyo'y maghahandog;tutuparin ko ang aking mga pangako,O Yahweh na aking Tagapagligtas!”
10 Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.