1 Nineve, sinasalakay na kayo!Dumating na ang kapangyarihang wawasak sa inyo.Bantayan ninyo ang mga pader at ang daan!Maghanda kayo para sa labanan!
2 Sapagkat papanumbalikin na ni Yahweh ang kadakilaan ng Israel,gaya noong panahong hindi pa sila nilulusob ng mga kaaway.
3 Naghahanda na silang sumalakay,pula ang mga kalasag ng mga kawal,at pula rin ang kanilang kasuotan.Nagliliyab na parang apoy ang kanilang mga karwahe!Rumaragasa ang kanilang mga kabayong pandigma.
4 Ang mga karwahe'y humahagibis sa mga lansangan,paroo't parito sa mga liwasan;parang naglalagablab na sulo ang mga ito,at gumuguhit na parang kidlat.