3 Naghahanda na silang sumalakay,pula ang mga kalasag ng mga kawal,at pula rin ang kanilang kasuotan.Nagliliyab na parang apoy ang kanilang mga karwahe!Rumaragasa ang kanilang mga kabayong pandigma.
4 Ang mga karwahe'y humahagibis sa mga lansangan,paroo't parito sa mga liwasan;parang naglalagablab na sulo ang mga ito,at gumuguhit na parang kidlat.
5 Pagtawag sa mga pinuno'ynagkakandarapa sila sa paglapit.Nagmamadali nilang tinungo ang pader na tanggulan,upang ilagay ang pananggalang laban sa mantelet.
6 Nabuksan na ang mga pintuan sa ilog,at ang mga tao sa palasyo ay nanginginig sa takot.
7 Ang reyna ay dinalang-bihag,kaya't dinadagukan ng mga lingkod ang kanilang dibdib.Sila'y nag-iiyakan, gaya ng mga kalapating nananaghoy.
8 Tulad ng tubig sa isang lawa na wasak ang pampang,ang mga tao'y mabilis na tumatakas mula sa Nineve.“Huminto kayo!” ang sigaw nila,ngunit kahit isa ay wala man lang lumingon.
9 Samsamin ang pilak!Samsamin ang ginto!Ang lunsod ay puno ng kayamanan!