6 Nabuksan na ang mga pintuan sa ilog,at ang mga tao sa palasyo ay nanginginig sa takot.
7 Ang reyna ay dinalang-bihag,kaya't dinadagukan ng mga lingkod ang kanilang dibdib.Sila'y nag-iiyakan, gaya ng mga kalapating nananaghoy.
8 Tulad ng tubig sa isang lawa na wasak ang pampang,ang mga tao'y mabilis na tumatakas mula sa Nineve.“Huminto kayo!” ang sigaw nila,ngunit kahit isa ay wala man lang lumingon.
9 Samsamin ang pilak!Samsamin ang ginto!Ang lunsod ay puno ng kayamanan!
10 Wasak na ang Nineve!Iniwan na ng mga tao at ngayo'y mapanglaw na.Ang mga tao'y nasisindak,nanginginig ang mga tuhod;wala nang lakas, at putlang-putla sa takot.
11 Wala na ang lunsod na parang yungib ng mga leon,ang dakong tirahan ng mga batang leon.Wala na rin ang dakong pinagtataguan ng inahing leon,ang lugar kung saan ligtas ang kanyang mga anak.
12 Pinatay na ng leon ang kanyang biktimaat nilapa ito para sa kanyang asawa at mga anak;napuno ng nilapang hayop ang kanyang tirahan.