1 Tiyak na ang iyong pagkawasak!Lunsod ng mga sinungaling at mamamatay-tao,puno ng kayamanang mananakaw at masasamsam.
2 Lumalagapak ang mga latigo,dumadagundong ang mga gulong,humahagibis ang mga kabayo,rumaragasa ang mga karwahe!
3 Sumusugod ang mga mangangabayo,kumikinang ang kanilang espada, kumikislap ang dulo ng sibat!Nakabunton ang mga bangkay,di mabilang ang mga patay,sa mga ito'y natatalisod ang mga nagdaraan!
4 Ang Nineve ay katulad ng isang mahalay na babae,mapanukso at puno ng kamandag.Binighani niya ang ibang mga bansa at inalipin ang mga ito.
5 Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,“Paparusahan kita, Nineve!Huhubaran kita nang makita ka ng ibang mga bansa.Dahil dito'y mapapahiya ka.