4 Ang Nineve ay katulad ng isang mahalay na babae,mapanukso at puno ng kamandag.Binighani niya ang ibang mga bansa at inalipin ang mga ito.
5 Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,“Paparusahan kita, Nineve!Huhubaran kita nang makita ka ng ibang mga bansa.Dahil dito'y mapapahiya ka.
6 Tatabunan kita ng dumi,at gagawing hamak.Mandidiri sa iyo ang mga tao.
7 Lalayuan ka ng lahat ng makakakita sa iyo.Sasabihin nila, ‘Wasak na ang Nineve!Sino ang magmamalasakit sa kanya?Sino ang aaliw sa kanya?’”
8 Nakahihigit ka ba sa Tebez?Siya rin naman ay may ilogna nakapalibot gaya ng isang pader,ang Ilog Nilo na kanyang tanggulan.
9 Pinangunahan niya ang Etiopia at Egipto,walang hanggan ang kanyang kapangyarihan;ang Libya ay kapanalig ng Tebez.
10 Gayunma'y dinala siyang bihag ng kanyang kaaway.Ipinaghampasan sa mga panulukang daan ang kanilang mga anak.Ginapos ng tanikala ang magigiting nilang lalaki,at ang mga ito'y pinaghati-hatian ng mga bumihag sa kanila.