8 Nakahihigit ka ba sa Tebez?Siya rin naman ay may ilogna nakapalibot gaya ng isang pader,ang Ilog Nilo na kanyang tanggulan.
9 Pinangunahan niya ang Etiopia at Egipto,walang hanggan ang kanyang kapangyarihan;ang Libya ay kapanalig ng Tebez.
10 Gayunma'y dinala siyang bihag ng kanyang kaaway.Ipinaghampasan sa mga panulukang daan ang kanilang mga anak.Ginapos ng tanikala ang magigiting nilang lalaki,at ang mga ito'y pinaghati-hatian ng mga bumihag sa kanila.
11 Nineve, ikaw man ay malalasing at mahihilo.Sisikapin mo ring tumakas sa iyong mga kaaway.
12 Ang lahat ng iyong kuta ay magiging parang mga puno ng igosna hinog na ang mga bunga.Kapag inuga ang mga puno, malalaglag ang mga bungasa mismong bibig ng gustong kumain.
13 Parang mga babae ang iyong mga hukbo,at ang iyong bansa ay hindi kayang magtanggol laban sa kaaway.Lalamunin ng apoy ang mga panara sa iyong mga pintuan.
14 Mag-ipon ka na ng tubig para sa panahon ng pagkubkob sa iyo.Tibayan mo ang iyong mga tanggulan.Simulan mo na ang pagmamasa ng luwad,at hulmahin ang mga tisa.