39-42 Ito ang listahan ng mga angkan ng mga pari na nagbalik mula sa pagkabihag: angkan ni Jedaias mula sa lipi ni Jeshua, 973; angkan ni Imer, 1,052; angkan ni Pashur, 1,247; angkan ni Harim, 1,017.
43 Ito ang listahan ng mga angkan ng mga Levita na nagbalik mula sa pagkabihag: angkan nina Jeshua at Kadmiel mula sa lipi ni Hodavias, 74.
44 Mga mang-aawit sa Templo: angkan ni Asaf, 148.
45 Mga bantay sa Templo: angkan nina Sallum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai, 138.
46-56 Ito naman ang listahan ng mga angkan ng mga manggagawa sa Templo na nagbalik mula sa pagkabihag:Ziha, Hasufa, Tabaot,Keros, Sia, Padon,Lebana, Hagaba, Salmai,Hanan, Gidel, Gahar,Reaias, Rezin, Nekoda,Gazam, Uza, Pasea,Besai, Meunim, Nefusesim,Bakbuk, Hakufa, Harhur,Bazlit, Mehida, Harsa,Barkos, Sisera, Tema,Nezias at Hatifa.
57-59 Ito ang listahan ng angkan ng mga lingkod ni Solomon na bumalik mula sa pagkabihag: mga angkan nina Sotai, Soferet, Perida, Jaala, Darkon, Gidel, Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim at Ammon.
60 Ang kabuuang bilang ng mga nakabalik na mga manggagawa sa Templo na mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay 392.