1 Noong ika-24 na araw ng buwan ding iyon, nagtipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagsuot sila ng damit-panluksa at naglagay ng abo sa kanilang ulo upang ipahayag ang pagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
2 Lumayo sila sa mga dayuhan. Tumayo sila upang ipahayag ang kanilang mga kasalanan at ng kanilang mga ninuno.
3 Nanatili silang nakatayo sa kanilang kinaroroonan sa loob ng tatlong oras samantalang binabasa sa kanila ang Kautusan ni Yahweh na kanilang Diyos. Pagkatapos, tatlong oras din silang nagpahayag ng kanilang mga kasalanan at sumamba kay Yahweh na kanilang Diyos.
4 Noo'y nasa isang entablado ang mga Levitang sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani at Kenani at nananalangin nang malakas kay Yahweh na kanilang Diyos.
5 Sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias ay nanawagan sa mga tao upang sumamba. Sabi nila:“Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh.Purihin siya ngayon at magpakailanman!Purihin ang kanyang dakilang pangalan,na higit na dakila sa lahat ng papuri!”
6 At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito:“Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon;ikaw ang lumikha ng kalangitanat ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit,ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito;ang dagat at ang lahat ng naroroon.Binibigyang buhay mo sila,at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.
7 Ikaw, Yahweh, ang Diyos na pumili kay Abram.Ikaw ang tumawag sa kanya mula sa bayan ng Ur, sa Caldeaat pinangalanan mo siyang Abraham.
8 Nakita mo siyang tapat sa inyoat gumawa ka ng kasunduan sa kanya.Ipinangako mo sa kanya at sa kanyang magiging mga anakna ibibigay sa kanila ang lupain ng mga Cananeo,ng mga Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo at Gergeseo.Tinupad mo ang iyong pangako sa kanila sapagkat ikaw ay tunay na matapat.
9 “Nakita mo ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Egipto.Narinig mo ang pagtangis nila sa Dagat na Pula.
10 Gumawa ka ng mga himala at mga bagay na kamangha-mangha laban sa Faraon,laban sa kanyang mga lingkod at sa mga mamamayan ng kanyang lupain,sapagkat alam mong pinagmalupitan nila ang aming mga ninuno.Ang pangalan mo'y tanyag magpahanggang ngayon.
11 Sa kanilang harapa'y hinati mo ang dagat,at sa gitna nito'y dumaan sila sa tuyong lupa.Ang mga humabol sa kanila'y nilunod mong lahat,parang mga batong lumubog sa nagngangalit na dagat.
12 Pinatnubayan mo sila ng haliging ulap kung araw,at haliging apoy kung gabi, upang matanglawan ang kanilang paglalakbay.
13 Mula sa langit ay bumabâ ka sa Bundok Sinaiat kinausap mo ang iyong bayan.Binigyan mo sila ng mga tuntuning makatarungan,mga batas na maaasahan at mabubuting kautusan.
14 Itinuro mo sa kanilang ipangilin ang Araw ng Pamamahingaat ibinigay mo sa kanila ang iyong Kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.
15 “Nang sila'y magutom, binigyan mo sila ng pagkaing mula sa langit;at nang sila'y mauhaw, pinainom mo ng tubig mula sa bato.At sa kanila'y sinabi mo na sakupin ang lupaingsa kanila'y ipinangako mong ibigay.
16 Ngunit naging palalo ang aming mga ninuno,nagmatigas sila at sinuway ang mga utos mo.
17 Hindi sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila.Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinunona mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto.Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin,hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig,kaya't sila'y hindi mo itinakwil.
18 Gumawa rin sila ng diyus-diyosang guya,at sinabing iyon ang diyos na naglabas sa kanila mula sa Egipto.Labis ka nilang nilapastangan!
19 Ngunit hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang,sapagkat walang kapantay ang iyong kahabagan.Hindi mo inalis ang haliging ulapna patnubay nila sa paglalakbay sa arawat ang haliging apoy na tumatanglaw sa kanila pagsapit ng dilim.
20 Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin.Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw.
21 Apatnapung taon mo silang kinalinga sa ilang,kaya't sa anuman ay hindi sila nagkulang.Hindi nasira ang kanilang mga kasuotan,ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.
22 “Pinasakop mo sa kanila ang mga kaharian at bayan,ang lupaing sakop ni Haring Sihon ng Hesbonat ang lupain ni Haring Og ng Bashan.
23 Pinarami mo ang kanilang mga anak tulad ng mga bituin sa langit.Dinala mo sila sa lupainna ipinangakong sasakupin ng kanilang mga ninuno.
24 Pinasok nga nila at sinakop ang lupain ng Canaan,sa harap nila'y tinalo ang mga Cananeong naninirahan doon.Ibinigay ninyo sa kanila ang kanilang mga hari at ang lahat ng mamamayan sa lupainupang sa kanila'y gawin ang anumang naisin.
25 Pinasok nila at sinakop ang mga may pader na lunsod.Nakuha nila ang matataba nilang lupain, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian:mga bahay na puno ng kayamanan,mga balon, mga ubasan, taniman ng olibo at mga bungangkahoy.Sagana sila sa pagkain at lumusog ang kanilang katawan,at tuwang-tuwa sila sa iyong dakilang kabutihan.
26 “Ngunit kinalaban ka pa rin nila,at tinalikuran nila ang iyong Kautusan.Pinatay nila ang iyong mga propetana isinugo mo upang sila'y panumbalikin sa iyo.Patuloy ka nilang hinahamak.
27 Dahil sa ginawa nila, pinabayaan mong sakupin sila ng kanilang mga kaaway,ipinaalipin mo sila at pinahirapan.Ngunit nang sila'y tumawag sa iyo,pinakinggan mo pa rin sila mula sa langit.Sa habag mo sa kanila,binigyan mo sila ng mga pinunong sa kanila'y magliligtas.
28 Ngunit nang ang buhay nila'y naging matiwasay, muli silang nagkasala laban sa iyo,kaya't pinababayaan mo silang muling matalo ng kaaway.Ngunit kapag sila'y muling nagsisi at humingi ng tulong,pinapakinggan mo sila mula sa langitat paulit-ulit mo silang inililigtas sapagkat ikaw ay mahabagin.
29 Binabalaan mo silang manumbalik sa iyong Kautusan,ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito.Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay,sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
30 Maraming taon na pinagtiisan mo sila,at binalaan ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng mga propeta,ngunit hindi pa rin sila nakinig.Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.
31 Ngunit dahil sa iyong labis na kahabagan,hindi mo rin sila ganap na nilipol at itinakwil.Ikaw ay mapagpatawad at mahabaging Diyos!
32 “O aming Diyos, napakadakila mong Diyos,kakila-kilabot ang iyong kapangyarihan.Tumutupad ka sa iyong kasunduan at mga pangako.Mula pa nang kami'y sakupin ng mga hari ng Asiria,hanggang ngayo'y labis ang aming paghihirap.Naghirap ang aming mga hari at pinuno,mga pari, mga propeta, at ang mga ninuno.Ang iyong buong bayan ay dumanas ng kahirapan,kaya't alalahanin mo ang aming pagdurusa.
33 Makatuwiran ka sa iyong pagpaparusa sa amin;naging tapat ka sa kabila ng aming pagkakasala.
34 Ang aming mga ninuno, hari, pinuno at pariay hindi sumunod sa iyong Kautusan.Sinuway nila ang iyong mga utos at babala.
35 Sa gitna ng kasaganaang kanilang tinatamasa, sa ilalim ng mabuting pamamahala ng kanilang mga hari,sa kabila ng malalawak at matatabang lupaing kanilang minana,hindi pa rin sila naglingkod sa iyo at nagsisi sa kanilang mga kasalanan.
36 Ngayon, sa lupaing ito na iyong ipinamana,sa lupaing ito na ang pagkain ay sagana, kami'y busabos at alipin.
37 Ang dahilan ay ang aming pagkakasala,kaya ang nagpapasasa sa ani ng bukid ay ang mga haring sa ami'y lumupig.Nasusunod nila anumang gustuhin, pati mga kawan nami'y inaangkin.O sukdulan na itong hirap namin!”
38 Dahil dito, kaming sambayanang Israel ay gumawa ng isang kasulatan ng sinumpaang kasunduan. Ito'y lubos na sinang-ayunan at nilagdaan ng aming mga pinuno, mga Levita at mga pari.