67 Ang mga aliping lalaki at babae ay 7,337 at ang mga mang-aawit na babae at lalaki ay 245.
68-69 May naibalik ding 736 na kabayo, 245 mola, 435 kamelyo at 6,720 asno.
70-72 Ilan sa mga pinuno ng mga angkan ang nagbigay ng ambag para ipagawang muli ang templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, limampung mangkok na pilak na ginagamit sa pagsamba at 530 kasuotan ng mga pari. May iba pang mga pinuno ng angkan na nagbigay ng 168 kilong ginto at 1,250 kilong pilak. Ang kabuuang ipinagkaloob ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 140 kilong pilak at 67 na kasuotan ng mga pari.
73 Ang mga pari, mga Levita, mga bantay ng Templo, mga mang-aawit, mga lingkod sa Templo at lahat ng Israelita ay tumira sa mga bayan at lunsod ng Juda.