28 Ngunit nang ang buhay nila'y naging matiwasay, muli silang nagkasala laban sa iyo,kaya't pinababayaan mo silang muling matalo ng kaaway.Ngunit kapag sila'y muling nagsisi at humingi ng tulong,pinapakinggan mo sila mula sa langitat paulit-ulit mo silang inililigtas sapagkat ikaw ay mahabagin.
29 Binabalaan mo silang manumbalik sa iyong Kautusan,ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito.Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay,sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
30 Maraming taon na pinagtiisan mo sila,at binalaan ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng mga propeta,ngunit hindi pa rin sila nakinig.Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.
31 Ngunit dahil sa iyong labis na kahabagan,hindi mo rin sila ganap na nilipol at itinakwil.Ikaw ay mapagpatawad at mahabaging Diyos!
32 “O aming Diyos, napakadakila mong Diyos,kakila-kilabot ang iyong kapangyarihan.Tumutupad ka sa iyong kasunduan at mga pangako.Mula pa nang kami'y sakupin ng mga hari ng Asiria,hanggang ngayo'y labis ang aming paghihirap.Naghirap ang aming mga hari at pinuno,mga pari, mga propeta, at ang mga ninuno.Ang iyong buong bayan ay dumanas ng kahirapan,kaya't alalahanin mo ang aming pagdurusa.
33 Makatuwiran ka sa iyong pagpaparusa sa amin;naging tapat ka sa kabila ng aming pagkakasala.
34 Ang aming mga ninuno, hari, pinuno at pariay hindi sumunod sa iyong Kautusan.Sinuway nila ang iyong mga utos at babala.