Obadias 1 RTPV05

1 Ang aklat na ito ay naglalaman ng pangitaing ibinigay ng Panginoong Yahweh kay Propeta Obadias tungkol sa Edom.May narinig kaming ulat buhat sa Panginoong Yahweh;may isang sugo na ipinadala sa mga bansa:“Humanda kayo at ang Edom ay salakayin!”

Paparusahan ni Yahweh ang Edom

2 Sinabi ni Yahweh sa Edom,“Gagawin kitang pinakamahinang bansa,at kamumuhian ka ng lahat ng mga tao.

3 Nilinlang ka ng iyong kayabangan;dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy;dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan.Kaya't sinasabi mo,‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’”

4 Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay,o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay,hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.

5 “Kung sa gabi'y dumating ang magnanakaw,ang kinukuha lamang nila'y ang kanilang magustuhan.Kapag ang mga tao'y namimitas ng ubas,kahit kaunting bunga'y nagtitira sila.Ngunit ang mga kaaway mo'y walang ititira kahit isa.

6 O lahi ni Esau, ang yaman mo'y sasamsamin;at ang lahat ng sa iyo'y kukuhanin.

7 Nilinlang ka ng iyong mga kapanalig,itinaboy ka mula sa iyong lupain.Nasasakop ka na ngayon ng iyong mga kakampi.Ang iyong mga kaibigang noo'y kasalo, ngayo'y naglagay ng patibong para sa iyo;at kanila pang sinasabi, ‘Nasaan na ang kanyang katusuhan?’”

8 Sinabi ni Yahweh:“Darating ang araw na paparusahan ko ang Edom,lilipulin ko ang kanyang mga matatalinong tao,at ang kaalaman nila'y aking papawiin.

9 Mga mandirigma ng Teman ay pawang nasisindak,at ang mga kawal ng Edom ay malilipol na lahat.

Bakit Pinarusahan ang Edom

10 “Dahil sa ginawa mong karahasan sa angkan ng kapatid mong si Jacob,sa kahihiya'y malalagay ka,at mahihiwalay sa akin magpakailanman.

11 Pinanood mo lamang sila,nang araw na pasukin ng mga kaaway.Kasinsama ka ng mga dayuhanna nananamsam at naghahati-hatisa kayamanan ng Jerusalem na kanilang tinangay.

12 Hindi mo dapat ikinatuwa ang kapahamakang sinapitng iyong mga kapatid sa lupain ng Juda.Hindi ka dapat nagalak sa araw ng kanilang pagkawasak;hindi ka dapat naging palalo sa araw ng kanilang kasawian.

13 Hindi mo dapat pinasok ang lunsod ng aking bayan,ni pinagtawanan ang kanilang kasawian.At sinamsam mo pa ang kanilang kayamanansa panahon ng kanilang kapahamakan.

14 Hindi ka dapat nag-abang sa mga sangang-daanupang ang mga pugante doon ay hadlangan.Hindi mo na dapat sila ibinigay sa kalabansa araw na iyon ng kanilang kapahamakan.

Hahatulan ng Diyos ang mga Bansa

15 “Malapit na ang araw ng aking paghatol sa lahat ng bansa,” sabi ni Yahweh.“Ang ginawa mo Edom, sa iyo'y gagawin din;ang ibinigay mo sa iba, siya mo ring tatanggapin.

16 Sa banal na bundok ko ay nalasap ng aking bayanang mapait na alak na sa kanila'y kaparusahan.Ngunit ang mga bayan na dito'y nakapaligid,higit na parusa ang kanilang matitikman;iinom sila nito at lubos na mapaparam.

Ang Tagumpay ng Israel

17 “Ngunit sa Bundok Zion ay may ilang makakatakas,at ang bundok na ito'y magiging banal na dako.Muling aariin ng lahi ni Jacobang lupaing sa kanila ay ipinagkaloob.

18 At maglalagablab naman ang lahi ni Jose.Lilipulin nila ang lahi ni Esau,at susunugin ito na parang dayami.Walang matitira isa man sa kanila.Akong si Yahweh ang maysabi nito.

19 “Sasakupin ng mga taga-Negeb ang Bundok ng Edom.Sasakupin ng mga nasa kapatagan ang lupain ng mga Filisteo.Makukuha nila ang lupain ng Efraim at Samaria.Ang Gilead nama'y sasakupin ng lahi ni Benjamin.

20 Magbabalik ang hukbong binubuo ng mga dinalang-bihag, sila na nagmula sa hilagang Israel.Sila ang sasakop sa lupain ng Fenicia hanggang sa Zarefat doon sa hilaga.Ang mga taga-Jerusalem na itinapon sa Sardisang siya namang sasakop sa mga lunsod sa timog ng Juda.

21 Ang matagumpay na hukbo ng Jerusalem,sasalakay sa Edom at doo'y mamamahala.Si Yahweh mismo ang doo'y maghahari.”

mga Kabanata

1