31 Huwag ninyong dinggin si Ezechias: sapagka't ganito ang sabi ng hari sa Asiria, Makipagpayapaan kayo sa akin, at labasin ninyo ako; at kumain ang bawa't isa sa inyo ng bunga ng kaniyang puno ng ubas, at ang bawa't isa ng bunga ng kaniyang puno ng igos, at uminom ang bawa't isa sa inyo ng tubig ng kaniyang sariling balon;
32 Hanggang sa ako'y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain, na lupain ng trigo at ng alak, na lupain ng tinapay at ng mga ubasan, na lupain ng langis na olibo at ng pulot, upang kayo'y mangabuhay, at huwag mangamatay: at huwag ninyong dinggin si Ezechias, pagka kayo'y hinihikayat niya, na sinasabi, Ililigtas tayo ng Panginoon.
33 Nagligtas ba kailan man ang sinoman sa mga dios sa mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria?
34 Saan nandoon ang mga dios ng Hamath, at ng Arphad? Saan nandoon ang mga dios ng Sepharvaim, ng Hena, at ng Hiva? Iniligtas ba nila ang Samaria sa aking kamay?
35 Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupain, ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay, na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay?
36 Nguni't ang bayan ay tumahimik, at hindi sumagot ng kahit isang salita: sapagka't utos ng hari, na sinasabi, Huwag ninyong sagutin siya.
37 Nang magkagayo'y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang katiwala sa sangbahayan, at si Sebna na kalihim, at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni, kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak, at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces.