Pahayag 1:4-5 ASND

4-5 Mula kay Juan, para sa pitong iglesya sa probinsya ng Asia.Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang galing sa Dios, sa Espiritu, at kay Jesu-Cristo. Kung tungkol sa Dios, siyaʼy hindi nagbabago ngayon, noon, at sa hinaharap. Kung tungkol sa pitong Espiritu, siyaʼy nasa harapan ng trono ng Dios. At kung tungkol kay Jesu-Cristo, siya ang mapagkakatiwalaang saksi. Siya ang unang nabuhay mula sa mga patay. At siya rin ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo iniligtas niya tayo sa ating mga kasalanan.

Basahin ang kumpletong kabanata Pahayag 1

Tingnan Pahayag 1:4-5 sa konteksto