23 Ginawa niya ito para ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya, na inihanda na niya noon pa para parangalan.
24 Itoʼy walang iba kundi tayo na mga tinawag niya, hindi lang mula sa mga Judio kundi mula rin sa mga hindi Judio.
25 Ito ang sinabi ng Dios sa aklat ni Hoseas:“Ang dating hindi ko mga tao ay tatawagin kong, ‘Mga tao ko.’At ang dating hindi ko mahal ay mamahalin ko.
26 At sa mga sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’ ”
27 Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit na maging kasindami pa ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kakaunti lang sa kanila ang maliligtas,
28 dahil mabilis at matindi ang gagawing paghatol ng Panginoon sa mga tao sa mundo.”
29 Sinabi rin ni Isaias,“Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay walang itinira sa ating lahi, natulad na sana tayo sa Sodom at Gomora.”