4 Nililipol niya ang mga makapangyarihan,ngunit pinalalakas niya ang mahihina.
5 Ang mayayaman noon, ngayon ay nagtatrabaho para lang may makain.Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon.Ang dating baog ay marami nang anak.Ngunit ang may maraming anak ay nawalan ng mga ito.
6 May kapangyarihan ang Panginoon na patayin o buhayin ang tao.May kapangyarihan siyang ilagay sila sa lugar ng mga patay o kunin sila roon.
7 Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman.Itinataas niya ang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa.
8 Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan.Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan.Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.
9 Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan.Ngunit lilipulin niya ang masasama.Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.
10 Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway.Padadagundungin niya ang langit laban sa kanila.Ang Panginoon ang hahatol sa buong mundo.Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.”