7 Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman.Itinataas niya ang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa.
8 Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan.Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan.Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.
9 Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan.Ngunit lilipulin niya ang masasama.Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.
10 Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway.Padadagundungin niya ang langit laban sa kanila.Ang Panginoon ang hahatol sa buong mundo.Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.”
11 Pagkatapos, umuwi si Elkana at ang sambahayan niya sa Rama. Pero iniwan nila si Samuel para maglingkod sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ni Eli na pari.
12 Masasamang tao ang dalawang anak ni Eli. Hindi sila sumusunod sa Dios
13 dahil hindi nila sinusunod ang mga tuntunin tungkol sa bahaging matatanggap ng mga pari galing sa handog ng mga tao. Ito ang kanilang ginagawa kapag may naghahandog: Habang pinapakuluan ang mga karneng ihahandog, pinapapunta nila roon ang alipin nila na may dalang malaking tinidor na may tatlong tulis.