2 Nagtanong si David sa Panginoon, “Sasalakayin ko po ba ang mga Filisteo?” Sumagot ang Panginoon, “Sige, salakayin mo sila at iligtas mo ang Keila.”
3 Pero sinabi ng mga tauhan ni David, “Dito pa nga lang po sa Juda ay natatakot na kami, lalo pa kaya kung pupunta kami sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo.”
4 Muling nagtanong si David sa Panginoon, at sinabi ng Panginoon, “Pumunta ka sa Keila dahil pagtatagumpayin ko kayo laban sa Filisteo.”
5 Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo. Maraming Filisteo ang napatay nila; kinuha nila ang mga hayop nito at nailigtas nila ang mga taga-Keila.
6 (Nang tumakas si Abiatar at pumunta kay David sa Keila, dinala niya ang espesyal na damit ng mga pari.)
7 May nagsabi kay Saul na si David ay pumunta sa Keila. Kaya sinabi ni Saul, “Ibinigay na siya ng Dios sa akin, para na niyang ibinilanggo ang kanyang sarili sa pagpasok sa bayan na napapalibutan ng pader.”
8 Tinipon ni Saul ang lahat ng tauhan niya para pumunta sa Keila at lusubin si David at ang mga tauhan niya.