1 Nang matanda na si Samuel, pinili niya ang mga anak niyang lalaki na maging pinuno ng Israel.
2 Joel ang pangalan ng panganay at Abijah naman ang sumunod. Pareho silang namuno sa Beersheba,
3 pero hindi sila gaya ng kanilang ama. Gahaman sila sa pera, tumatanggap ng suhol at binabaluktot ang katarungan.
4 Kaya nagtipon ang lahat ng tagapamahala ng Israel at pumunta kay Samuel sa Rama.
5 Sinabi nila, “Matanda na po kayo; at ang mga anak ninyoʼy hindi naman sumusunod sa inyong mga pamamaraan. Ngayon, bigyan nʼyo po kami ng hari na mamumuno sa amin, gaya ng ibang bansa na mayroong hari.”