1 Samuel 9:9-10 ASND

9-10 “Mabuti,” ang sabi ni Saul. “Halika na, pumunta na tayo sa manghuhula.” (Noon sa Israel, kung may taong gustong makatanggap ng mensahe galing sa Dios sinasabi niya, “Halika, pumunta tayo sa manghuhula,” dahil ang mga tinatawag na propeta ngayon ay tinatawag na manghuhula noon.)Pumunta si Saul at ang utusan sa bayan kung saan naroon ang propeta ng Dios.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Samuel 9

Tingnan 1 Samuel 9:9-10 sa konteksto