25 Pagkatapos, ipinagkatiwala ko sa kanila ng walang kulang ang mga pilak, ginto, at mga kagamitang ibinigay ng hari, at ng mga tagapayo niya at mga opisyal, at ng maraming Israelita, bilang tulong sa templo ng aming Dios.
26-27 Ito ang aking ipinagkatiwala sa kanila:22 toneladang pilak3 toneladang kasangkapang pilak3 toneladang ginto20 gintong mangkok na mga waloʼt kalahating kilo,2 tansong mangkok na pinakintab na kasinghalaga ng mga mangkok na ginto.
28 Sinabi ko sa mga pari, “Kayo at ang mga kagamitang ito ay ibinukod para sa Panginoon. Ang mga pilak at ginto ay handog na kusang-loob para sa Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno.
29 Ingatan nʼyo itong mabuti hanggang sa madala nʼyo ito sa mga bodega templo ng Panginoon sa Jerusalem na walang kulang, sa harap ng mga namumunong pari, mga Levita, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga Israelita.”
30 Kaya kinuha ng mga pari at ng mga Levita ang mga pilak, ginto, at ang mga kagamitan, na walang kulang, para dalhin sa templo ng aming Dios sa Jerusalem.
31 Umalis kami sa Ilog Ahava at naglakbay papuntang Jerusalem nang ika-12 araw ng unang buwan. Tinulungan kami ng aming Dios at iningatan kami sa mga kalaban at tulisan habang naglalakbay kami.
32 Pagdating namin sa Jerusalem, nagpahinga muna kami ng tatlong araw.