21 Umuungal itong leon, samantalang humahanapng kanyang makakain na sa Diyos din nagbubuhat.
22 Kung sumapit ang umaga, dala nito kanyang huli,pumupunta sa tagua't doon siya nangungubli;
23 samantalang itong tao humahayo sa gawain,sa paggawang walang tigil inaabot na ng dilim.
24 Sa daigdig, ikaw Yahweh, kay rami ng iyong likha!Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.
25 Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan,malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.
26 Iba't ibang mga bapor ang dito ay naglalakbay,samantalang ang Leviatang nilikha mo'y kaagapay.
27 Lahat sila'y umaasa, sa iyo ay nag-aabang,umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.