1 Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin?Gaano katagal kang magtatago sa akin?
2 Gaano katagal pa itong hapdi ng damdaminat ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin?Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin?
3 Yahweh, aking Diyos, tingnan mo ako at sagutin,huwag hayaang mamatay, lakas ko'y panumbalikin.
4 Baka sabihin ng kaaway ko na ako'y kanilang natalo,at sila'y magyabang dahil sa pagbagsak ko.
5 Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas,magagalak ako dahil ako'y ililigtas.
6 O Yahweh, ika'y aking aawitan,dahil sa iyong masaganang kabutihan.