Mga Awit 107 MBB05

IKALIMANG AKLAT

Awit ng Pagpapasalamat sa Kabutihan ng Diyos

1 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan!Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

2 Lahat ng niligtas,tinubos ni Yahweh, bayaang magpuri,mga tinulungan,upang sa problema, sila ay magwagi.

3 Sa sariling bayan,sila ay tinipo't pinagsama-sama,silanga't kanlurantimog at hilaga, ay doon kinuha.

4 Mayro'ng naglumagaksa ilang na dako, at doon nanahan,sapagkat sa lunsoday wala nang lugar silang matirahan.

5 Wala nang makainkaya't sila'y nagutom, nauhaw na lubha,ang katawan nilaay naging lupaypay, labis na nanghina.

6 Nang sila'y magipit,kay Yahweh, sila ay tumawag,at dininig namansa gipit na lagay, sila'y iniligtas.

7 Inialis silasa lugar na iyon at pinatnubayan,tuwirang dinalasa payapang lunsod at doon tumahan.

8 Kaya dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

9 Mga nauuhaway pinapainom upang masiyahan,mga nagugutomay pawang binubusog sa mabuting bagay.

10 Sa dakong madilim,may mga nakaupo na puspos ng lungkot,bilanggo sa dusa,at sa kahirapan sila'y nagagapos.

11 Ang dahilan nito—sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos;mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod.

12 Nahirapan sila,pagkat sa gawain sila'y hinagupit;sa natamong hirap,nang sila'y bumagsak ay walang lumapit.

13 Sa gitna ng hirap,kay Yahweh sila ay tumawag;at dininig namanyaong kahilingan na sila'y iligtas.

14 Sa dakong madilim,sila ay hinango sa gitna ng lungkot,at ang tanikalasa kamay at paa ay kanyang nilagot.

15 Kaya dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

16 Winawasak niya,maging mga pinto na yari sa tanso,ang rehas na bakalay nababaluktot kung kanyang mahipo.

17 May nangagkasakit,dahil sa kanilang likong pamumuhay;dahil sa pagsuway,ang dinanas nila'y mga kahirapan.

18 Anumang pagkainna makita nila'y di na magustuhan,anupa't sa anyo,di na magluluwat ang kanilang buhay.

19 Sa ganoong lagay,sila ay tumawag kay Yahweh,tinulungan silaat sa kahirapan, sila ay tinubos.

20 Sa salita lamangna kanyang pahatid sila ay gumaling,at naligtas silasa kapahamakang sana ay darating.

21 Kaya't dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

22 Dapat ding dumulog,na dala ang handog ng pasasalamat,lahat ng ginawaniya'y ibalita, umawit sa galak!

23 Mayroong naglayagna lulan ng barko sa hangad maglakbay,ang tanging layuninkaya naglalayag, upang mangalakal.

24 Nasaksihan nilaang kapangyarihan ni Yahweh,ang kahanga-hangangginawa ni Yahweh na hindi maarok.

25 Nang siya'y mag-utos,nagngalit ang dagat, hangin ay lumakas,lumaki ang alonna kung pagmamasdan, ay pagkatataas.

26 Ang sasakyan nilahalos ay ipukol mula sa ibaba,kapag naitaasang sasakyang ito'y babagsak na bigla;dahil sa panganib,ang pag-asa nila ay halos mawala.

27 Ang kanilang anyo'yparang mga lasing na pahapay-hapay,dati nilang sigla'tmga katangia'y di pakinabangan.

28 Nang nababagabag,kay Yahweh sila ay tumawag,dininig nga silaat sa kahirapan, sila'y iniligtas.

29 Ang bagyong malakas,pinayapa niya't kanyang pinatigil,pati mga alon,na naglalakihan ay tumahimik din.

30 Nang tumahimik na,sila ay natuwa, naghari ang galak,at natamo nilaang kanilang pakay sa ibayong dagat.

31 Kaya't dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

32 Itong Panginoonay dapat itanghal sa gitna ng madla,dapat na purihinsa kalipunan man ng mga matanda.

33 Nagagawa niyangtuyuin ang ilog na tulad ng ilang,maging mga batisay nagagawa ring parang lupang tigang.

34 Ang lupang mataba,kung kanyang ibigi'y nawawalang saysay,dahilan sa samang mga nilikhang doo'y nananahan.

35 Kahit naman ilang,nagagawa niyang matabang lupain,nagiging batisangsagana sa tubig ang tuyong lupain.

36 Sa lupaing iyon,ang mga nagugutom doon dinadala,ipinagtatayong kanilang lunsod at doon titira.

37 Sila'y nagbubukid,nagtatanim sila ng mga ubasan,umaani sila ng saganang bunga,sa lupang tinamnan.

38 Sila'y pinagpala'tlalong pinarami ang kanilang angkan,at dumarami rinpati mga baka sa kanilang kawan.

39 Kapag pinahiyaang bayan ng Diyos at nalupig sila,ang bansang sumakopna nagpapahirap at nagpaparusa,

40 sila'y susumbatannitong Panginoo't ang kanyang gagawin,ikakalat sila sa hindi kilalang malayong lupain.

41 Ngunit itataasang nangagdurusa't laging inaapi,parang mga kawan,yaong sambahayan nila ay darami.

42 Nakikita itong mga matuwid kaya nagagalak,titikom ang bibigng mga masama at taong pahamak.

43 Kayong matalino,ang bagay na ito'y inyong unawain,pag-ibig ni Yahwehna di kumukupas ay inyong tanggapin.