23 samantalang itong tao humahayo sa gawain,sa paggawang walang tigil inaabot na ng dilim.
24 Sa daigdig, ikaw Yahweh, kay rami ng iyong likha!Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa.
25 Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan,malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.
26 Iba't ibang mga bapor ang dito ay naglalakbay,samantalang ang Leviatang nilikha mo'y kaagapay.
27 Lahat sila'y umaasa, sa iyo ay nag-aabang,umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.
28 Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,mayro'n silang kasiyahan pagkat bukás ang iyong palad.
29 Kapag ika'y lumalayo labis silang nangangamba,takot silang mamatay kung lagutin mo ang hininga;mauuwi sa alabok, pagkat doon sila mula.