32 Nanginginig ang nilikha, kapag titig mo sa daigdig,ang bundok na hipuin mo'y umuusok, nag-iinit.
33 Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan,siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay.
34 Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,pagkat ako'y nagagalak, nagpupuri sa Maykapal.
35 Ang lahat ng masasama sana'y alisin sa daigdig,ang dapat ay lipulin na upang sila ay maalis.Si Yahweh ay purihin mo, aking kaluluwa!Purihin si Yahweh!