7 Ngunit noong magalit ka itong tubig ay tumakas,nang marinig ang sigaw mo, tumilapon agad-agad.
8 Bumuhos sa kabundukan, umagos sa kapatagan,natipon sa isang dako't naging isang karagatan,
9 matapos, ang ginawa mo'y naglagay ka ng hangganan,upang itong kalupaa'y di na muling laganapan.
10 Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.
11 Kaya kahit na sa ilang ang hayop na naroon,maging hayop na mailap may tubig na naiinom.
12 Sa naroong kakahuya'y umaawit na masaya,mga ibo'y nagpupugad sa malabay nilang sanga.
13 Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig,ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig.