33 Sa ginawa nila ay lubhang nasaktan ang kanyang damdamin,dahas ng salitang nagmula sa bibig ay hindi napigil.
34 Di nila nilipol ang lahat ng taong naro'n sa Canaan,bagama't ito'y iniutos ni Yahweh na dapat gampanan.
35 Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.
36 Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran,sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.
37 Pati anak nilang babae't lalaki'y inihaing lubos,sa diyus-diyosan, mga batang ito ay ginawang handog.
38 Ang pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malaypara ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan,kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan.
39 Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa,sa Diyos na si Yahweh sila ay nagtaksil at pawang sumama.