1 Sinabi ni Yahweh,sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko,hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”
2 Magmula sa dakong Zion,ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;“At lahat ng kaaway mo'ysakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos.
3 Sasamahan ka ng madla,kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway;magmula sa mga bundok,lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.
4 Si Yahweh ay may pangakoat ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago:“Ikaw ay pari magpakailanman,ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”
5 Si Yahweh ay naroroongnakaupo sa kanan mo, at kapag siya ay nagalit,ang lahat ng mga hari ay tiyak na malulupig.
6 Siya'y hukom na hahatolsa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat,marami ang malalagas!Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat.