1 Purihin si Yahweh!Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang,at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.
2 Ang kanyang lipi'y magiging dakila,pati mga angkan ay may pagpapala.
3 Magiging sagana sa kanyang tahanan,pagpapala niya'y walang katapusan.
4 Ang taong matuwid, may bait at habag,kahit sa madilim taglay ay liwanag.
5 Ang mapagpautang nagiging mapalad,kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.
6 Hindi mabibigo ang taong matuwid,di malilimutan kahit isang saglit.
7 Masamang balita'y hindi nagigitla,matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.