11 Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan,upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.
12 Pupurihin kita, Yahweh, ika'y aking pupurihin;ang lahat ng tuntunin mo ay ituro po sa akin.
13 Ang lahat mong mga utos na sa aki'y ibinigay,palagi kong babanggitin, malakas kong isisigaw.
14 Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan,higit pa sa kagalakang dulot nitong kayamanan.
15 Ako'y laging mag-aaral sa lahat ng tuntunin mo,nang aking maunawaan, pagbubulay-bulayan ko.
16 Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod,iingatan sa puso ko upang iyo'y di malimot.(Gimmel)
17 Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain,upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.