2 Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay;maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay,pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.
3 Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak,ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.
4 Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan,ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal.
5 Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan,hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan,kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.