5 Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin,kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem;
6 di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitinsa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin,kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin.
7 Yahweh, sana'y gunitain, ginawa ng Edomita,nang ang bayang Jerusalem ay malupig at makuha;sumisigaw silang lahat na ang wikang binabadya:“Iguho na nang lubusan, sa lupa ay ibagsak na!”
8 Tandaan mo, Babilonia, ika'y tiyak wawasakin,dahilan sa ubod sama ang ginawa mo sa amin;yaong taong magwawasak, mapalad na ituturing
9 kung ang inyong mga sanggol kunin niya at durugin!