5 ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.
6 Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas,hindi niya nililimot ang abâ at mahihirap;kumubli ma'y kita niya ang hambog at ang pasikat.
7 Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin,ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling.Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
8 O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat,ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas,at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.