3 Mabagsik ang dila na tulad ng ahas,tulad ng ulupong, taglay na kamandag. (Selah)
4 Sa mga masama ako ay iligtas;iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas,na ang nilalayon ako ay ibagsak.
5 Taong mga hambog, ang gusto sa akin,ako ay masilo, sa bitag hulihin,sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah)
6 Sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos.”Kaya ako'y dinggin sa aking pagdulog.
7 Panginoong Yahweh, na Tagapagligtas,nang ako'y lusubin, ikaw ang nag-ingat.
8 Taong masasama, sa kanilang hangaday iyong hadlangan, biguin mo agad. (Selah)
9 Ang mga kaaway, huwag pagtagumpayin,pagdusahin sila sa banta sa akin,