2 ang aking dinala'y lahat kong hinaing,at ang sinabi ko'y pawang suliranin.
3 Nang ako ay halos wala nang pag-asa,ang dapat kong gawi'y nalalaman niya.Sa landas na aking pinagdaraanan,may handang patibong ang aking kaaway.
4 Sa aking paligid, nang ako'y lumingon,wala ni isa man akong makatulong;wala kahit isa na magsasanggalang,ni magmalasakit na kahit sinuman.
5 Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing,sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin;tunay na ikaw lang mahalaga sa akin.
6 Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan,pagkat halos ako'y di makagulapay;iligtas mo ako sa mga kaaway,na mas malalakas ang mga katawan.
7 Sa suliranin ko, ako ay hanguin,at ang pangalan mo'y aking pupurihin, sa gitna ng madlang mga lingkod mo rinsa kabutihan mong ginawa sa akin!