3 Ako ay tinugis ng aking kaaway,lubos na nilupig ng aking kalaban;sa dilim na dako, ako ay nakulong,tulad ko'y patay nang mahabang panahon.
4 Ang kaluluwa ko'y halos sumuko na,sapagkat ang buhay ko'y wala nang pag-asa.
5 Araw na lumipas, aking nagunita,at naalala ang iyong ginawa,sa iyong kabutihan, ako ay namangha!
6 Ako'y dumalangin na taas ang kamay,parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah)
7 Nawala nang lahat ang aking pag-asa,kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na!Kung ika'y magkubli, baka ang hantunganako ay ituring na malamig na bangkay,at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.
8 Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunitayaong pag-ibig mo na lubhang dakila.Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik,patnubayan ako sa daang matuwid.
9 Iligtas mo ako sa mga kalaban,ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.