3 O Yahweh, ano nga ba naman ang tao?At pinagtutuunan mo siya ng pansin?
4 Katulad ay ulap na tangay ng hangin,napaparam siya na tulad ng lilim.
5 Langit mong tahanan ay iyong hubugin, Yahweh, lisanin mo't bumabâ sa amin;mga kabundukan ay iyong yanigin, lalabas ang usok, aming mapapansin.
6 Ang maraming kidlat ay iyong suguin, lahat ng kaaway iyong pakalatin;sa pagtakas nila ay iyong tudlain!
7 Abutin mo ako at iyong itaas,sa kalalimang tubig ako ay iligtas;ipagsanggalang mo't nang di mapahamak sa mga dayuhang may taglay na lakas,
8 Ubod sinungaling na walang katulad,kahit ang pangako'y pandarayang lahat.
9 O Diyos, may awitin akong bagung-bago,alpa'y tutugtugin at aawit ako.