15 Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kagaya,ang dila ko'y dumidikit sa aking ngalangala,sa alabok, iniwan mo ako na halos patay na.
16 Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid,para akong nasa gitna ng mga asong ganid;mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit.
17 Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto,tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko.
18 Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan,at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.
19 O Yahweh, huwag mo sana akong layuan!Ako ay tulungan at agad na saklolohan!
20 Iligtas mo ako sa talim ng tabak,at sa mga asong sa aki'y gustong kumagat.
21 Sa bibig ng mga leon ako'y iyong hanguin,sa sungay ng mga toro ako ay iyong sagipin.O Yahweh, panalangin ko sana'y dinggin.