18 Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan,at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.
19 O Yahweh, huwag mo sana akong layuan!Ako ay tulungan at agad na saklolohan!
20 Iligtas mo ako sa talim ng tabak,at sa mga asong sa aki'y gustong kumagat.
21 Sa bibig ng mga leon ako'y iyong hanguin,sa sungay ng mga toro ako ay iyong sagipin.O Yahweh, panalangin ko sana'y dinggin.
22 Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan,sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.
23 Kayong lingkod ni Yahweh, siya'y inyong purihin!Kayong lahi ni Jacob, siya'y inyong dakilain,bayan ng Israel, luwalhatiin siya't sambahin!
24 Mga dukha'y di niya pinababayaan at hinahamak,hindi siya umiiwas sa humihingi ng paglingap;sinasagot niya agad ang mga kapus-palad.